There was an error in this gadget

Friday, August 19, 2005

isang gabi sa beta way



isang sabado...

jon: punta tayo sa UP, mag star gazing tayo!
joyce: hmmm...sige, pero parang wala namang stars eh!
jon: di magpahangin na lang tayo...dun na tayo mag kape.
joyce: (skeptic) mmm...sige...(ano kayang balak ng mokong na to?)

papasok sa UP Diliman...

jon sa UP guard, pagpasok ng UP: boss, studyante po ako dito...
joyce: (eh ano naman ang business mo sa ganitong oras ng gabi?)

jon, matapos magpaikot ikot sa buong UP: dito na lang muna tayo tumigil (sa parking lot sa beta way, bandang alas-10 ng gabi)
joyce: ang dilim dilim naman dito! (palinga linga sa paligid, tinitignan kung ano'ng gagawin nung isang kelot at bebot na naka scooter at naka tambay din sa pagka dilim dilim na parking lot)

maya maya lang, may dumating na pulis ng UP, nagpa-patrol. binuksan ni jon ang bintana.

pulis: mga studyante ba kayo dito? (tunog concerned...)
jon: opo.
pulis, tinaggal sa pagkakatutok ang flashlight na dala: mag iingat kayo dito. di nyo ba alam na may pinatay dito nung kamakailan lang? member yata ng frat.
jon: ah, ganun po ba?
pulis: oo, kaya mag ingat kayo.
jon at joyce: sige po, thank you!

di pa rin natinag si jon. ni-recline pa yung upuan niya, at gusto pa yatang matulog (star gazing pala ha???).

joyce, habang nakatitig sa mga corridors ng engineering building sa tabi ng beta way: jon, tignan mo yon o?!?
jon: ha?!? kanina, yung naka motor, tapos yung sikyo...sino na naman yan? dami namang istor...
joyce: dun o! tumingin ka doon sa corridors!
jon: ha??? ano'ng meron?
joyce: ang daming nag uunahan pumasok sa classrooms!
jon: ha?!? asan???
joyce: mmm...tara na...
jon: ha??? wag na muna, mamaya na...kakarating lang natin dito eh...
joyce: basta!!! halika na! sinabihan na tayo nung pulis na delikado nga dito eh!
jon: bakit??? may nakita kang tao???
joyce: basta!!! alis na tayo!

sa tropical hut...

jon: ano ba yung sinasabi mong nag uunahan pumasok sa classroom?
joyce: multo.

kawawang jon, di naka porma...hehehe...

salamat sa mga multo ng beta way.



para kay kenji,
na inspire ako doon sa isa mong entry, kaya ginawa ito ng malikot kong pag-iisip. salamat!