minsan, di ko na alam kung ang utak ko na lang ang dapat paganahin. dito sa amerika, isinasaksak ko sa isip ko, na dapat matutunan kong wag magmahal ng lubos lubos. sa kakaunting panahon na inilagi ko dito, napansin ko, ang pagsasama ng ilang tao (na maaring di rin lang iilan) ay dahil sa dikta ng pamumuhay at mga pangangailangan. hindi ko nakagisnan ang ganitong sistema. kaya pala napakadaling makipaghiwalay.
minsan, gusto ko nang sabihing "mahal na mahal kita...", pero di ko masabi. nabanggit ko na ito minsan, pero mali pala ito. sabi mo, di posibleng mahalin ang isang taong kahapon mo lang nakilala. marahil ito ay tama...
sa ngayon, eto na lang muna ang nasa isip ko, nasa dibdib ko. di mo man naiintindihan, damhin mo ang nakikita't naririnig.
para sa iyo.