Tuesday, December 28, 2004

mahal mo siya, mahal niya'y iba...

Eto na naman itong ganitong klaseng kwento...kwento ng mahal mo siya, mahal niya'y iba.

Sabi nga dun sa isang soap, pwede namang magmahal, kahit hindi siya ang iyong nakakatuluyan. Sa totoo lang, masasabi mo lang yan, pag alam mong deep in your heart, this person feels something for you too, whether it's love or hate, there are some feelings for you, di ba? (hehehe parang malabo yung hate...but no! it only means kung hate ka niya, it's temporary and just find a way to reconcile!)

Sabi dun sa movie ng mga bagets (yeah right! baduy na kung baduy, di ko ikinahihiyang nanood ako ng Bcuz Of U! hehehe...cute yung movie ha?), tawag sa ganitong mga tao ay LOSER, o sadyang PATHETIC!

Does one really have to spread himself/herself so thinly, just to catch this person's attention? I believe that one only becomes a loser when he/she doesn't do anything at all!!! Mygas! Gone are those days na uupo ka lang at maghihintay! Anong hihintayin mo? Even when pigs can fly, hinding hindi ka papansinin ng mahal mong kaibigan kung tatayo ka lang na parang tuod, at hihintayin mong pansinin ka (buti pa nga yung puno, tinatabihan) you have to make an effort to make this person realize that you're worth his/her while.

However, your problem sets in when he/she claims to be in love with someone else...mahal mo siya, mahal niya'y iba (aduuuy!!!) *sob*

I used the word "claim" coz hanggat di pa nakakasal yang si irog mo sa honey niya, ambivalent pa rin yan! Meron nga diyang mahigit 5 taon nang mag-on... Ayun! Hanggang dun na lang pala and they split!(ooops! Pasintabi po!). Dahil ang totoo, sa paniwala ko, ang puso na marunong magmahal ay MAARING magmahal ng di lang iisang tao. But of course, one of the greatest means of showing true love is through loyalty...great love, immense sacrifice!

Ngayon, di ko sinasabing tamang mang agaw ng girlfriend o boyfriend ng iba ha! (At lalong lalo na, yung mangolekta ng bf/gf!...hmp!!!) Bad yun ha?!?!?! Pero, pag napansin ka niya (because of who you are), at nagkataong ang napansin niya ay qualities na gusto niya, that's where friendship starts (huh??? friends lang?!?...hehehe...for starters, yes!)

E pano kung friends na talaga kayo? Mmmm... kung talagang mahal mo, e di, just be there for him/her...as a true friend! someone who's sweet and understanding... someone who can give sound advice...a shoulder to lean and cry on... the usual stuff para sa mga martir ;p masamang mang agaw!!! hehehe ;p pasasaan pa yan, malay mo, mapansin ka rin...

E pano kung talagang sinabi sa yo na "sorry talaga, but i can't imagine being romantically involved with you...(ouch!)" well, kung talagang sila, sorry tsong/tsang, talagang sila. Kung hindi naman, a twist of fate may still happen (hope springs eternal!) ...pero wag mong ipagdarasal na di sila magkatuluyan o di kaya'y gayumahin mo! (tsk, tsk, tsk...me kilala ako'ng ganyan...buti na lang, di siya blogger... hehehe) ;p Sounds martir, but a relationship that is half-baked is
unlikely to be successful.

Cheer up guys! Chances are, someone's looking at you, too! Masyado ka lang busy at di mo na napapansin, o pinapansin! (minsan naman kasi, talagang walang dating eh!) So who says you're
a loser? Pathetic? Nah!!! Just perfectly in love! ;p

"Love and light!"

8 comments:

Marco said...

alright! galing...daan lng po.

joyce said...

thanks for dropping by, marco!
anyway, kaka rehash lang nitong blog ko, at medyo itinago ko muna...hehehe...kaya nawala yung mga links ko kina batjay, sassy, tito rolly, etc.

i'll visit your site too! cheers!

btw, punta ka sa xmas party?

b3Rn1cE said...

amen! nice thoughts there :)

joyce said...

hi bernice!
thanks for dropping by :) ang cute ng site mo ha? gave me an idea on how to perk up my otherwise boring blog site...hehehe...happy new year!

b3Rn1cE said...

hi ma'am!

haha my site is a little "kikay", and slightly "bading". loved this piece/entry. i saved it. please do drop by anytime. lagay po kayo tag board para masaya hehehe :)

could i link you up?
happy 2005

joyce said...

hi bernice!

buti naman at naka relate ka...if my students would see this, they'd surely won't believe that it's me talking there hehehe...

sige, link mo ko =) napapa indak ako sa stupid cupid mo eh hehehe...nice idea!

Ms. etc said...

Hihihi, while reading your posts, this caught my attention,. My first tagalog novel was entitled, MAHAL KITA, MAHAL MO'Y IBA. That's how life goes, eh? tc!

joyce said...

hi J!
so you're really into the hardcore stuff? i mean, writing novels! thanks for dropping by!