Friday, April 01, 2005

Bisitahin nyo kami sa Blogkadahan

tayo'ng mga noy-pi ay likas na pala kaibigan (ang diin ay nasa huling bigkas). nagsisimula sa konsepto ng bayanihan, pakikisama at pagtanaw ng utang na loob, ang pagbuo ng isang grupo o "barkada" ay nagkakaroon ng kahulugan dahil sa pagkakaiba, o pagkapare-pareho ng mga karakter ng mga taong bumubuo nito.

tulad ng aming Blogkadahan. ito ay isang grupo ng mga manunulat ng "blog" o electronic journal, na nagkatipon tipon upang bigyan ng bagong kapahulugan ang konsepto ng pagiging magkakaibigan, pagiging malikhain, pagiging Pinoy.

kung titignan ninyo ang aming webpage, ito'y napagkatuwaang tawaging "The Rebels without Because"...sa Filipino..."mga rebeldeng walang dahilan..." medyo matalinhaga (o malabo ba? hehehe), pero kung ikaw ay isa ring pinoy na manunulat, maiintindihan mo ang ibig sabihin (o ibig na iparating) ng katawagang ito. mapapansin din sa gawing itaas ng webpage ang iba't-ibang klase ng pansapin sa paa (me step-in, bakya, rubber shoes, sosyal na flip-flops), nagdadagdag kulay at nagpapakilala sa mga karakter ng mga contributors nito. hindi nyo na itatanong, ang pinaka bata sa amin ay edad 22... ang pinaka matanda naman ay...u-hurm! (ubo...ubo...ubo...)

kami ay binubuo ng mga pinoy na mula pa sa iba't ibang panig ng mundo (Manila, Singapore, USA, Canada, Belgium, Germany, New Zealand, Japan at England). iba't iba rin ang aming mga karera sa buhay, kung kaya't ito'ng site na ito ay masasabing "melting pot", bagama't pare-pareho ang dugong nanalaytay sa aming mga ugat (minsan nga lang, nagkakaiba sa kulay...me bughaw at kadalasan...me berde...bukod sa pula, siyempre!).

ngayon, kung gusto niyong matawa...o di kaya naman, eh maiyak...(pero kadalasan, matatawa ka sa paglalaro ng mga salita), bisitahin nyo kami sa


kita kits tayo! =)

*button courtesy of Ms. Sassy

PS. gusto nyo bang makita si Darna? punta kayo dito =)

13 comments:

lws said...

hi just blog hopping major ko din MATH....

joyce said...

hi ladywhitespirit!
thanks for dropping by! punta ka sa blogkadahan ha? =)

Apol said...

ok yung description mo sa blogkadahan ah! =)

nangangapit bahay lang sa mga kaberks...

joyce said...

hi fafa apol!
hehehe...siyempre! kulang pa nga eh...nalimutan kong sabihing magaganda at mga simpatiko ang mga miyembro ng blogkadahan!

Night Moon said...

hey, ive seen it na hehe, nice tambayan for your clique :D

joyce said...

hi dementedvixen!
may bago kami ngayon...third wave na ito..."ano'ng gusto kong maging paglaki ko"...let's see what batjay and the rest has to say about this hehehe...

lws said...

sa thursday ako todo online medyo buzzzzzzzzzzzzzy me...lagay kita sa friendzzzzzlist ko ha?pwede?pwede!na:)

joyce said...

sure lady! link kita! =)

lws said...

upd8 ka naman!yooohoooo!san ka na?kumusta ka na?hmmmmmmmmm busy ka?ako busy ng kunti :)pero oks lang.sige ha...

Vangie Fuhrman said...

hi joyce. just curious, how are your plans of migrating to the states coming along? you must be busy, you haven't updated in quite a bit. kumusta zobel? take care!

vangie

ajay said...

Happy Mother's Day sis! Good luck sa US career mo. Ang tagal mo na di nag-post ah....take care always;)

b3Rn1cE said...

hey miss joyce! namiss ko na bisita nyo sa blog ko. how are you now? kmusta ang daughter nyo? ayus ang blogkadahan hehehe link ko kayo okidok?

tagal walang update aaa

joyce said...

to lady white spirit, vangie, ajay and ja

hay naku, soooooobrang busy ako! anyway, take a look at what i'm doing right now :-)

to the moms, belated happy mothers' day :-)